moving on is simple. (ows?)
moving on? ano ba ibig sabihin niyan? siguro kahit anong research at experiments ang gawin mo, di mo talaga mahahanap
ang exact words to describe it. kahit nga siguro ang LOVE(walang kamatayan! amp) wala din. kahit sa dictionary di ko
yung words na kaya tong i-explain. mapa webster o oxford, wala padin akong word na mahanap to describe kung ano ba talaga
nararamdaman ko. siguro naman lahat tayo nakaramdam na ng pagkabigo (for short: BROKEN HEART)
haha. pero seryoso, totoo naman diba? hindi lang naman sa love nararamdaman ang "pagkabigo". sa school, sa mga taong nakakasama natin,
sa mga laro at kung ano-ano pa, pwedeng maramdaman. pero ang hardest part kasi sa pagkabigo, eh yung process of moving on.
sabi ng iba, time heals all wounds. kaya makaka move on ka din, SOMEDAY. di naman parang kasing bilis ni flash ang panahon e.
sa isang iglap, mawawala lahat. makakalimutan mo lahat ng nangyari at naramdaman mo, sa isang pitik. BOOM! mala, shutdown sa computer kapag
ayaw mo na. tapos bubuksan uli pag nakapagpahinga na yung PC.
pero pano nga ba mag move on? may principles, laws and theories kung saan sinasabi ang steps how to move on? may mga formula ba na nagsasabi na
TIME+POSITIVE THINKING=MOVE ON? pwede kayang magkaron ng batas na 2months of crying and suffering tapos..Move on na?
sana nga merong ganun e. para mapilitan ka. kasi may mga taong mabilis gawin to e. tapos papasok uli sa bagong relationship. ako kaya pwede ng ganun?
habang sinusulat ko to, di ko maiwasang mapaisip at the same time matawa. kasi parang ang pinariringan ko ay ang sarili ko. ako ata tong tinutukoy ko e.
hindi maka MOVE ON! minsan gusto ko ng saktan sarili ko e, parang gusto kong sapakin at sabihin "ano ka ba? try mo kayang maging masaya, para naman mabago daily routine mo"
I really hope there will come a time na malalagpasan ko to, naniniwala naman akong hindi to forever e. kaso di ko talaga alam how to start.
ano ba dapat kong gawin? pero siguro, ang pwede ko lang gawin ay go with the flow. hayaan na lang muna. what will be, will be.(kanta ata to e.)
ayun, sa tagal na panahon..nag blog uli ako. wahahaha. madrama ako ngayon. :))

No comments:
Post a Comment